Good day, everyone!
Nagpapasalamat talaga ako sa Ating Panginoon na binigyan na niya ng katuparan ang matagal ko minimithi. Ito po ay ang makapasa sa civil service.
Dalawang klase ng exam ang pwede mo i-take. Sabi ko, try ko muna ang sub prof para at least eligibility na din ako kasi matagal na din ako nagwwork po sa government . And, finally, nakita ko at nabasa ko din sa list of passers ang name ko.
Sobrang blessed, inspired, at thankful ako sa TEAM LYQA.
Kami ang 1st batch na tinuruan ni Ma’am Lyqa. Sobrang dami naming natutunang mga tips, techniques, at kung pano i-lessen ang oras sa pagsagot lalo na pagdating sa Math. Pati pagshade ng sagot sa examinee number at ano lapis ang dapat gamitin. Lahat ng iyon isinapuso at isinagawa ko sa araw mismo ng exam.
Mam Lyqa, di man ako dumating o pumunta sa araw ng thanksgiving day natin, sobrang na-appreciate ko po ang lahat ng mga naitulong mo sa akin. Matiyagang sumasagot sa mga tanong ng bawat isa sa amin. Alam niyo guys na naririto ngayong araw na ito.
Ang dami ko din hirap o challenges na pinagdaanan bago ako makapasa. Di ko ito ikinakahiya sa inyo sabihin na ito ay pang sampung take ko na ng exam. Sabi ko sa sarili ko noon, di ako titigil hangga’t di nakakapasa. Dahil alam ko may time para sa atin ang Panginoon. Inaamin ko nagkulang din ako noon, naging busy sa work at nagkulang sa pagdarasal. Nung makita ko sa FBÂ ang Team Lyqa: Civil Service Review, agad ko to inilike at kami pa unang batch na nakaattend ng free review.
Sobrang bait, approachable at accomodating ang buong pamilya ni Ma’am Lyqa. Kaya naman sobra talaga din ako natotouch kc talagang bukal sa kalooban nila ang tumulong sa atin at sa mga susunod pang batch.
Mam Lyqa kasama ng mga pictures na iaattach ko, anjan ako na kasama nung ngreview sa messiah college ako po yung nasa bandang gitna na naka-red. Tapos nandiyan po mga pics na magkasama tau at nandiyan ang pics kung saan nag-rereview ako gamit ang Team Lyqa review materials.
Salamat po ng marami, Ma’am Lyqa. Alam niyo po nang makapasa ako sa exam at kasali din sa practical tips for the civil service review group sa FB. Isa na ako sa Admin para din mgshare at tumulong gaya ni Ma’am Lyqa. At nagpapasalamat din ako kay Sir Robert Moises naka-chat ko at nagshare sa aken ng mga tips at siya din po mismo ang nag-offer para maging Admin ng group.
Sobrang thankful ako sa Team Lyqa.
At salamat din sa aking pamilya na walang sawang sumuporta at nagbigay ng lakas at tiwala sa sarili na papasa din ako. Inspired din ako sa kantang Maghintay Ka Lamang at Patuloy Ang Pangarap. Hanggang sa muli, guys, sana sa next thanksgiving party magkita-kita tayo ulit.
God Bless you all, guys, at good luck sa mga mag-eexam. At huwag niyo po kalimutan ilike at join po kau sa Team Lyqa: Civil Service Review at Practical Tips For The Civil Service Exam.
At patuloy na magdasal at magtiwala sa sarili na papasa ka din. Sabihin mo sa sarili na papasa ako!!!
Aja! Aja! Team lyqa!