Read.Watch.Learn.

Category: Team Testimonies

Testimony: Mr. Joey Lanto

Good day, everyone!

Joey and Lyqa during the first ever Review Event

Joey and Lyqa during the first ever Review Event

Nagpapasalamat talaga ako sa Ating Panginoon na binigyan na niya ng katuparan ang matagal ko minimithi. Ito po ay ang makapasa sa civil service.

Dalawang klase ng exam ang pwede mo i-take. Sabi ko, try ko muna ang sub prof para at least eligibility na din ako kasi matagal na din ako nagwwork po sa government . And, finally, nakita ko at nabasa ko din sa list of passers ang name ko.

Sobrang blessed, inspired, at thankful ako sa TEAM LYQA.

Kami ang 1st batch na tinuruan ni Ma’am Lyqa. Sobrang dami naming natutunang mga tips, techniques, at kung pano i-lessen ang oras sa pagsagot lalo na pagdating sa Math. Pati pagshade ng sagot sa examinee number at ano lapis ang dapat gamitin. Lahat ng iyon isinapuso at isinagawa ko sa araw mismo ng exam.

Mam Lyqa, di man ako dumating o pumunta sa araw ng thanksgiving day natin, sobrang na-appreciate ko po ang lahat ng mga naitulong mo sa akin. Matiyagang sumasagot sa mga tanong ng bawat isa sa amin. Alam niyo guys na naririto ngayong araw na ito.

Team Lyqa's first Final Coaching Event

Team Lyqa’s first Final Coaching Event

Ang dami ko din hirap o challenges na pinagdaanan bago ako makapasa. Di ko ito ikinakahiya sa inyo sabihin na ito ay pang sampung take ko na ng exam. Sabi ko sa sarili ko noon, di ako titigil hangga’t di nakakapasa. Dahil alam ko may time para sa atin ang Panginoon. Inaamin ko nagkulang din ako noon, naging busy sa work at nagkulang sa pagdarasal. Nung makita ko sa FB ang Team Lyqa: Civil Service Review, agad ko to inilike at kami pa unang batch na nakaattend ng free review.

Sobrang bait, approachable at accomodating ang buong pamilya ni Ma’am Lyqa. Kaya naman sobra talaga din ako natotouch kc talagang bukal sa kalooban nila ang tumulong sa atin at sa mga susunod pang batch.

Joey reviewing using the Team Lyqa Practice Test Booklets

Joey reviewing using the Team Lyqa Practice Test Booklets

Mam Lyqa kasama ng mga pictures na iaattach ko, anjan ako na kasama nung ngreview sa messiah college ako po yung nasa bandang gitna na naka-red. Tapos nandiyan po mga pics na magkasama tau at nandiyan ang pics kung saan nag-rereview ako gamit ang Team Lyqa review materials.

Salamat po ng marami, Ma’am Lyqa. Alam niyo po nang makapasa ako sa exam at kasali din sa practical tips for the civil service review group sa FB. Isa na ako sa Admin para din mgshare at tumulong gaya ni Ma’am Lyqa. At nagpapasalamat din ako kay Sir Robert Moises naka-chat ko at nagshare sa aken ng mga tips at siya din po mismo ang nag-offer para maging Admin ng group.

Sobrang thankful ako sa Team Lyqa.Screenshot_2016-07-15-22-37-47-49

At salamat din sa aking pamilya na walang sawang sumuporta at nagbigay ng lakas at tiwala sa sarili na papasa din ako. Inspired din ako sa kantang Maghintay Ka Lamang at Patuloy Ang Pangarap. Hanggang sa muli, guys, sana sa next thanksgiving party magkita-kita tayo ulit.

God Bless you all, guys, at good luck sa mga mag-eexam. At huwag niyo po kalimutan ilike at join po kau sa Team Lyqa: Civil Service Review at Practical Tips For The Civil Service Exam.

At patuloy na magdasal at magtiwala sa sarili na papasa ka din. Sabihin mo sa sarili na papasa ako!!!

Aja! Aja! Team lyqa!

Testimony: Ms. Gnet Borden

Gnet Borden

Ms. Gnet Borden (December 2015 CSE-Professional Passer)

This is Gnet.

Super thank you po sa inyong mga videos and tips.
Naka-atttend din po ako 1 time ng review ninyo sa may Tiendesitas.

Although half day lang yun, madami po akong natutunan at na-meet ko pa kayo in person. Thankful din po ako at pinagpray niyo po kami nung time na yun.

3 times na po ako nakapag-take ng Civil Service-Professional Exam at last December lang po ako nakapasa.

Salamat po sa tiyaga ninyo, Ma’am, lagi po akong nagpapadala ng message sa inbox ninyo pag meron akong nahihirapang tanong sa booklet ninyo.

Sa mga mag-tatake po ng exam this time, maipapayo ko lang, pray hard, read, read, read, tapos, yung mga booklet ni Ma’am Lyqa malaking help yun.

Gamitin ninyo yun while inoorasan ninyo ang pagsagot. Pagdating ng exam day, kaya niyo na. relax na kayo.

Kaya niyo yan!

One team…. Team Lyqa!

Testimony: Mr. Gio Sampayan

Mr. Gio Sampayan, CSE Passer - October 2015

Mr. Gio Sampayan, CSE Passer – October 2015

Hi! This is Gio.

Gusto ko sanang magpasalamat sa iyo, Ms.Lyqa, for exerting so much effort in helping us. I didn’t have the chance to attend in one of your review sessions, but thankfully your tips and techniques in passing any exam through your YouTube videos assisted me. I thought they were very helpful.

However, of all the videos you uploaded I have this one favorite video which is Multiplying by Five. I find it not only instructional, but also entertaining. Why is it entertaining? #OnlyTeamLyqaKnows.

Kidding aside, I am thankful that the time when I was browsing the web, looking for something or someone that would help me pass the CSE, Lord God took my hand and guided me into your FB page.

Daghang Salamat!

I am Joshua Gio C. Sampayan, October 2015 CSE passer, thankful to be part of TEAMLYQA.

Testimony: Ms. Margie Marcos

​MargieI am from Cagayan Valley and a graduating Education student. I am a working student in school.

Last year( I was in 3rd yr. college then), I took the CS exam-Professional Level. Since I am a working student, I really had a hard time finding time to review and prepare for the exam. I did not enroll in any review center.

One week before the exam, I felt so nervous and worried about the exam. I surfed the internet to check on my room assignment and that’s when I found the videos of Team Lyqa.

For 7 days, I started to use my time wisely during the night after my class and work in school. I watched the steps in solving math problems, reading comprehension and other techniques attentively.

I also followed her Facebook page immediately. Tapos sobrang nagpray talaga ako kay God.

Sabi ko “God please ito nalang po gift mo sa upcoming birthday ko. Sana makapasa ako.”

True enough, birthday ko ng July 14 same exact day ng release ng certificate from CSC office. Sobrang thankful talaga ako nun.

Thanks to #teamlyqa videos. Sobrang nakakapagpalakas siya ng loob at effective talaga yung mga techniques. Dito ako ulit magrereview for the LET this year. Tiwala po ako dito.

#makingadifferenceglobally #teamlyqa

 

Thank you for sharing your story, Margie. I pray that you will do well sa LET mo this year. Keep praying and God will help you pass.

How about you? Are you a Team Lyqa passer? Please send your testimony, a picture, and tips to teamlyqa@gmail.com and I will post it here to encourage your team members. I’m sure they will love to hear your advice.

© 2025 TEAM LYQA

Theme by Anders NorenUp ↑